Happy Hour

February 15, 2010

Balik Triathlon, Balik Ensayo

Filed under: Training — levyang @ 4:42 am

Matapos ang unang maria sa Condura.  Nagpahinga lang ng saglit at di nagtagal, di na rin ako mapakali.  Hinahanap-hanap ng katawan ko ang paggalaw kaya noong guminhawa ng bahagya ang quads ko nakaraang Martes, pumunta ako sa spinning class sa Planet Infinity.  Isang oras lang naman at di na ako sumabay sa mabibigat na padyak ni Kots Jomak🙂  Noong Miyerkules naman, lumangoy ako sa MASA at nakasabay ko si Jojo Lontok ng Sunkist Trihard.  Nakakatuwa ang kwento niya na balak nila ni Gerard na lumahok sa Hawaii 70.3.  Pangarap kasi ng bawat triathlete ang makasali sa Kona at doon sa Hawaii 70.3, kakarera sila sa ilang bahagi ng ruta doon sa Kona.  Ang galing di ba?

Noong Huwebes, indoor trainer naman ako.  Isang oras lang para bumalik muli ang sigla ng pagbibike🙂  At noong Biyernes, track at swimming naman.  Tinuturuan muli ako ni Kots ng tamang porma sa pagtakbo – kulang kasi ako sa push-off na dapat manggaling sa calves at sa toes.  Ito, ani niya, ang dahilan kung bakit sumakit ang quads ko matapos ang marathon.  Sinubukan kong gawin ang turo niya.  Sana lang gumaganda-ganda naman ang porma ko sa mga susunod na linggo.  Medyo tight pa rin ang quads ko noong Biyernes kaya matapos ang ilang recovery rounds ay nagpahinga na rin ako.  Masayang makasama muli ang grupo na tumakbo sa Condura marathon na sina Ivy, Isa at Norman🙂  Matapos ang training sa track, tumuloy muli ako sa MASA para lumangoy.   Noong Linggo naman, araw ng mga puso, siyempre sino pa makakasama ko?  Walang iba kundi mga “Brokeback Boys” na sina Julian at Norman para maglong run sa amin.  Buti naman at mukhang gumagaling na ang injury sa paa ni Julian kaya nakatapos siya ng 10k.

Miss ko lang kasi ang ensayong pang-triathlon kaya eto, di ko man lang pinalampas ang isang linggo at kayod na naman.  Itong Lunes, kakagaling ko lang ng Georgetown sa Marikina.  Nakakatuwang makita ang ilan sa Team PMI doon.  Nagpapaturo na lumangoy si Mike🙂  Malaking bagay ito dahil na-trauma siya noon noong bata siya.  Andun din sina Jup at si Mama Rizz.  Nakita ko din si Meyo na nageensayo para sa Langkawi.  Ang LAKI ng inimprove niya sa swim.  Magandang pangitain para sa Langkawi🙂  Sa akin naman, nagpapasalamat ako na tila aktibo na muli si Coach Joel na nagtuturo sa Georgetown.  Mapalad talaga ang maging bahagi ng Team PMI at may coach kami tulad nina Coach Joel at Coach Jomak.  Para sa isang teknikal na isport tulad ng triathlon, malaking bagay ang maturuan ng tamang teknik sa paglangoy, pagpadyak at pagtakbo.  Bago ako napasama sa Team PMI, isang taon din ang nasayang ko dahil sa “trial and error”.  Sa laki ba naman ng oras na ginugugol para sa ensayo, dapat siguraduhin na hindi nasasayang ang oras sa maling teknik di ba?

Kaya eto ako ngayon, pangatlong taon ko na na isport na ito pero ngayon lang muli nagpapaturo/nagpapatingin sa tamang teknik sa paglangoy.  Di kasi ako gumagamit ng sipa o sadyang mahina lang talaga ako sumipa🙂  At siyempre kailangan din gamutin ang stroke.  Naaalala ko tuloy noong kumuha ako ng lessons sa Total Immersion kay Ria Mackay.  Balik drills ako kanina.  “Back to Basics” ika nga nila🙂  Hanggang sa susunod mga kapatid…

Tagay naman diyan!!!!

1 Comment »

  1. Hey Pare, hindi tayo magkita ng matagal. Anong nangyari sa inyo? Bakit kayo magtagalog lang. Masyadong mahirap para sa akin diba? Kumusta ka? Binasa ko ang dating balita mo at talagang excited. Mabilis kayo ha, mas mabilis kaysa akin….🙂 Kwawa naman ako he he he. Hope you are doing great. Please type in english again brother. I am back into training again here in Palawan and will start to blog soon again…. God bless and keep running

    Comment by Philip — February 16, 2010 @ 2:01 pm | Reply


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Create a free website or blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: