Happy Hour

January 11, 2010

Eh Kasi Pasaway!

Filed under: Training — levyang @ 2:25 am

Kamusta kapatid?  May mga taong bilib sa mga triathletes.  Daig pa daw nila mga mananakbo gawa ng 3 sport kasi ang kailangan gawin ng triathlete kumpara sa mananakbo.  Ito lang ang masasabi ko diyan…..HINDI YAN TOTOO!!!!  Hindi pa siguro nila nasubukan tumakbo ng matagal at malayo.  Sa madali’t salita, hindi pa siguro nila nasubukan mag-ensayo para sa marathon.

Nung nakaraang linggo, nabanggit ko ang tama sa tuhod ko gawa ng biglaang pagdagdag ng mileage sa Rizal Day Run.  Mula sa research sa internet, mukhang tinamaan ako ng ‘runner’s knee’.  Ok na rin yon, at least may bahagi na ng katawan ko na nabansagang ‘runner’.  :)  Pero seryoso, hindi biro ang magkaroon ng injury.  Nakakainis dahil kailangan ipahinga pero nakakainip dahil di makatakbo at ensayo ng maayos.  Sinubukan kong sumunod sa payo ng karamihan na ipahinga lang ang tuhod ko.  Kaya imbis na tumakbo nung nakaraang Martes at Miyerkules, nag-spinning lang ako at lumangoy sa MASA. Pagdating ng Huwebes, halos wala akong nararamdamang sakit sa kaliwang tuhod.  Apat na araw na rin ang nakalipas mula noong huling takbo ko kaya tumakbo ako ng 10k.  Ayun, mga 2 kilometro pa lang sa takbo, bumalik muli ang kirot.  Pinilit ko pa rin tapusin ang ensayo para lang matapos siya.  Ang maganda lang sa nangyari, hindi siya sumakit tulad noong Rizal Day.  Sa katunayan, bandang hapon din ng araw na iyon, halos wala na rin akong nararamdamang sakit.  Tipong alam ko lang na andiyan siya pero sa ngayon ay hindi nagpapakita.

Pagsapit ng Biyernes, hinamon ko muli ang tuhod ko sa isa na namang ensayo.  Ngayon, takbo naman na may distansyang 15k.   Siyempre, di matatapos ang ensayo ng di sumasakit ang kaliwang tuhod di ba?  Ganun na nga ang nangyari.  Ang natutunan ko mula sa mga nangyari itong nakaraang linggo ay kakaiba pala ang injury sa joints kung ikukumpara ito sa muscle.  Halimbawa, matapos ang isang matindi at mabigat na ensayo, natural lamang ang makaramdam ng sakit sa muscles (i.e. sa quads o kaya sa calf).  Pero ang sakit na ito ay nawawala din naman agad at puwede mo na uling puwersahin sa susunod na ensayo.  Dagdag pa, para sa iba, maganda ang maramdaman ang ganitong sakit kasi ang ibig sabihin ay pinuwersa mo talaga sarili mo sa ensayo at lalakas ka dahil dito.

Pero kung may tama ka sa joints, mas mahaba na pahinga ang kailangan para gumaling.  At kahit magising ka isang araw at hindi mo maramdaman ang sakit, huwag magpaloko, andun pa rin yun.  Kailangan alalayan sa susunod na ensayo at huwag puwersahin agad kasi maaaring magdulot pa ito ng mas nakakalalang injury.

Ganun naman pala pero bakit di ka nagpahinga Levy Boy?  Ito nga….EH KASI PASAWAY.  Ang katuwiran ko nag-bike naman ako nung Sabado.  Ok naman siya.  So ngayon, sumasakit na lamang siya tuwing tumatakbo.  Improvement na rin ito kumpara noong linggo ng Rizal Day Run kung saan may konting kirot sa bike.  Medyo nahuhuli na rin ako sa training para sa Condura kaya hala sige, long run pa kahapon sa UP ng 3 oras.  Oo nga, sumakit si tuhod, pero kung dati ay sa unang 2 kilometro ko siya nararamdaman, kahapon naman ay nagparamdam na lamang siya matapos ang 2 oras na pagtakbo🙂  Ibig sabihin lang nito ay gumagaling na ang tuhod ko di ba?

Ngayong linggo, may karera sa Subic sa 17.  Ano sa tingin mo?  Paaawat pa ba ako?  Kung ikaw ay masugid na tagasunod ng blog na ito, alam mo na wala akong pinapalampas na karera.  Kung di nangangailangan ng eroplano para puntahan, tiyak na andun ako para kumarera!  Bukod sa pasaway, isa rin akong ADIK!!!!!

Tagay naman diyan!!!

3 Comments »

  1. Hehe adik ka nga levy, ingat lang sa injury, ayan comment ko tagalog rin

    Comment by groundhogdude — January 11, 2010 @ 4:48 am | Reply

  2. Translation please…

    Comment by Javy — January 11, 2010 @ 5:51 am | Reply

  3. my sinuses hurt reading this. parang napasukan ng chlorine.

    Comment by Marga — January 11, 2010 @ 7:30 pm | Reply


RSS feed for comments on this post. TrackBack URI

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: