Happy Hour

January 18, 2010

Subic NAGT

Filed under: Uncategorized — levyang @ 5:22 am

Isang makulimlim at mahangin na umaga ang bumati sa akin pagkarating ko sa Subic madaling araw ng Linggo. ¬†Bihirang naidadaos ang standard distance triathlon sa atin kaya di ko na pinalampas ang karerang ito (sa katunayan, wala naman talaga akong pinapalampas na karera) ūüôā ¬†Nakakapanibago din na Enero pa lang ay may karera na. ¬†Nakakatuwang makita ang higit 100 na katao na sumali, ibig sabihin lang ay patok na patok itong isport natin na triathlon ūüôā ¬†Bagama’t 6am ang takdang oras ng simula, alam kong hindi ito masusunod dahil kapag Enero pasikat pa lang ang araw sa oras na yun.

Langoy – 29:16

Napagitna ako sa magkapatid na Ifurung sa simula. ¬†Nakakatuwa din dahil riot talaga itong si Edward sa kanyang mga hirit. ¬†Sumali din si Matthieu O’Halloran ng TBB. ¬†Walang gustong tumabi sa kanya dahil sa totoo lang, wala naman ang makakakapit sa kanya mula sa grupo ūüôā ¬†Nauna mga babae sa amin at pagsapit ng bandang 6:45, nagsimula na rin ang pagdurusa naming mga kalalakihan. ¬†Ang tulin talaga ni Matthieu dahil wala pang sampung segundo ay ang layo na niya sa grupo. ¬†Para sa akin naman, langoy lang hanggang sa lumuwag ang paligid at makakuha ng tamang ritmo bawat hagod. ¬†Low tide sa umaga kaya kahit may kalayuan na sa beach ay nakikita ko pa rin ang ilalim. ¬†Malaking tulong ito sa akin na sa kaliwa kung huminga kada stroke. ¬†Hindi ko kasi nakikita ang buoy kaya ang mga corals at halaman sa ilalim ang nagsilbing giya sa akin kung diretso pa ang aking langoy. ¬†Medyo nangangati na rin ako katagalan dahil sa mga tama ng maliliit na jellyfish. ¬†Pero ayos lang, wala dapat iniinda ang tunay na triathlete ūüôā ¬†Matapos ang unang loop, tumingin ako sa relo na nagsasabing 14:40. ¬† Sa pangalawang loop, may nakasabay akong grupo at sumunod na lang ako sa mga bula nila hanggang sa matapos. ¬†Sinabi sa akin ni Jojo Lontok na kasabayan namin sina Abe, Kirk, Bombee at Meyo na umahon. ¬†Masaya na rin ako dahil kilala kong malalakas pa sa akin sa swim ang grupong ito. ¬†Galing sa bakasyon, siguro easy-easy lang sila kaya nagkasabay kami. ¬†Si Meyo naman, ang LAKI ang naimprove sa swim. ¬†Magandang pangitain ito para sa Langkawi IM niya ūüôā

T1 – 1:33

Maginaw pagkaahon mula sa swim.  Di pa rin sumisikat ang araw at medyo mahangin.  BRRRR!!!!

Padyak – 1:14:24

Noong simula, sinabi ng mga organizers sa 4 na loop ang gagawin pero binago nila ito sa mga huling sandali at ang gagawin na lamang ay 2 loop na may konting ahon.  Ikinatuwa ko ito para di naman sayang ang pagpunta sa Subic.  Ano ba naman ang karera sa Subic kung walang ahon di ba?  Pagkalabas pa lang ng transition, may maikling ahon na kaagad hanggang sa turnaround pagkalampas ng guard house (yung guard house bago ang mas matitinding ahon papuntang ocean adventure).  Tapos ang susunod na turnaround ay doon sa Petron Station.  Pabalik pa lang sa airport, nilagpasan ako ni August.  Naku po, malaki ang kanyang bubunuing oras para mahabol ang mga lider lalo na standard distance lang ito.  Mahirap talaga ang mahuli.

Maayos naman padyak ko, sinubukan kong manatili sa mga bandang 85-90 rpm.  Hindi ako tumayo kahit sa mga munting ahon. Ayaw ko kasi mauubusan at para may manatiling lakas para sa takbo.  Makulimlim pa rin sa mga oras na ito, hindi mainit.  Pero mahangin.  Nilagpasan ako ni TJ nung 2nd loop pagkaikot mula sa guard house.  Naisin ko man kumapit sa kanya, di ko magawa dahil ang tulin ng patakbo niya.  At siyempre, kailangan ko pa ayusin ang takbo ko, doon talaga ako nag-aalala. Napansin ko din pala na walang grasa ang kadena nung sinakay ko siya kahapon.  Tila nalimutan ata matapos ng bike wash. Kaya pala siya maingay habang sinasakyan ko.  Mga 39.6 ang buong distansya, 31.9 km/hr average speed.

T2 – 0:53

Malaking tulong na di kasing dami ng Subit ang mga kumarera kaya madaling hanapin ang pwesto ko. ¬†Malapit sa sa exit ng transition papuntang takbo. ¬†Maswerte lang talaga ūüôā

Takbo – 49:48

Totoo ba ito? ¬†Tama ba iyan? Ang pinakaaasam-asam ko na sub-50 off the bike ay nakamit ko na? ¬†Kung tatanungin mo ang TRAP, ang sasabihin nila ay hindi dahil ayon sa opisyal na resulta, 50:36 ang oras ko. ¬†Atin-atin lang ha, tutal wala naman nagbabasa ng blog na ito……sinama kasi nila ang oras sa transition 2 doon sa oras ng takbo ūüôā ¬†Maayos ang pakiramdam ko matapos ang padyak. ¬†Makulimlim pa rin ang panahon kaya nakatulong ito. ¬†Ang ruta ng takbo ay katulad din ng ruta sa Larrazabal triathlon noong nakaraang taon. ¬†Ang kaibahan lang imbis na mainit, malamig at mahangin ang ruta ngayon. ¬†Kaya dapat samantalahin ang magandang panahon di ba? ¬†3 loops ang takbo, papuntang All Hands Beach tapos pabalik. ¬†Inorasan ko ang unang punta ko sa All Hands, 8:35. ¬†May kabagalan. ¬†Nakatulong na bahagyang mas mabilis ang pabalik sa Dungaree Beach kumpara papuntang All Hands. ¬†Kung tama ang naalala ko, nakuha ko ng 8:05 ang pabalik. ¬†Kaya ganun na rin ang naging ritmo kada loop. ¬†Matapos ang unang loop, nilagpasan ako ni Meyo. ¬†Ang ganda niya tingnan habang tumatakbo. ¬†Sana balang araw, ganun na rin ako tumakbo ūüôā

Kalagitnaan ng takbo, tiningan ko ang relo: 24:50. ¬†Naku po, mukhang magiging malapit ito. ¬†Mabigat na rin ang bawat hingal ko sa mga oras na ito, pero tulad ng sabi sa akin ni Kots Jojo, yung mabigat at mabilis na hingal na di ka makapagsalita….di na naman magbabago yun. ¬†Ani niya, hanggang doon na lang ang hingal at hindi magiging mas mabigat o mas mabilis. ¬†Ang susi talaga ay sino ang makakatiis ng ganoong hingal ng mas matagal. ¬†Pagdating sa huling loop umabot ako sa All Hands turnaround na pumapalo na ng 42++ minuto sa relo ko. ¬†Sa abot ng aking makakaya, sinubukan ko pang paspasan ang takbo ko. ¬†Mabuti na lang talaga maganda ang panahon at puwede kong laktawan ang ilang water station para magfocus lang sa takbo. ¬†At sa awa ng Diyos, umabot na rin ako sa finish line at pagkapindot ng relo ay laking tuwa ko na natupad na rin ang matagal ko ng pangarap na maka-sub 50 sa 10k “off the bike”. ¬†Gusto ko na magretiro dahil palagay ko di na mauulit ito ūüôā

Para sa buong karera, ang oras ko ay 2:35:55 sa relo ko. ¬†Masaya ako dahil malaki nabawas sa dati kong oras na 2:49:04 sa parehong distansya. ¬†Pero mulat naman ako na mas madali ang ruta ng bike dito at mas maganda ang panahon. ¬†Ganun pa man, mananatili pa rin ang hamon na pagandahin pa rin ang oras na ito pagdating ng Subit sa Mayo. ¬†Siguro pagdating sa takbo, dapat itarget ko naman ang 48 para lang bigyan ng allowance ang transition 2 para sub-50 ang lalabas sa opisyal na resulta ūüôā

Maraming Salamat sa TRAP para sa maayos at tagumpay na karera kahapon.  Malaking tulong talaga ang pagsasara ng kalahating kalsada para sa siklista.  Sa panahon na maraming nagrereklamo kung paano idinadaos ang mga karera sa takbuhan, nakakatuwa na makakaasa ka sa TRAP na magiging maayos ang kanilang karera.

Sunod na karera:  Condura Marathon.

Tagay naman diyan!!! ūüôā

Advertisements

January 11, 2010

Eh Kasi Pasaway!

Filed under: Training — levyang @ 2:25 am

Kamusta kapatid? ¬†May mga taong bilib sa mga triathletes. ¬†Daig pa daw nila mga mananakbo gawa ng 3 sport kasi ang kailangan gawin ng triathlete kumpara sa mananakbo. ¬†Ito lang ang masasabi ko diyan…..HINDI YAN TOTOO!!!! ¬†Hindi pa siguro nila nasubukan tumakbo ng matagal at malayo. ¬†Sa madali’t salita, hindi pa siguro nila nasubukan mag-ensayo para sa marathon.

Nung nakaraang linggo, nabanggit ko ang tama sa tuhod ko gawa ng biglaang pagdagdag ng mileage sa Rizal Day Run. ¬†Mula sa research sa internet, mukhang tinamaan ako ng ‘runner’s knee’. ¬†Ok na rin yon, at least may bahagi na ng katawan ko na nabansagang ‘runner’. ¬†ūüôā ¬†Pero seryoso, hindi biro ang magkaroon ng injury. ¬†Nakakainis dahil kailangan ipahinga pero nakakainip dahil di makatakbo at ensayo ng maayos. ¬†Sinubukan kong sumunod sa payo ng karamihan na ipahinga lang ang tuhod ko. ¬†Kaya imbis na tumakbo nung nakaraang Martes at Miyerkules, nag-spinning lang ako at lumangoy sa MASA. Pagdating ng Huwebes, halos wala akong nararamdamang sakit sa kaliwang tuhod. ¬†Apat na araw na rin ang nakalipas mula noong huling takbo ko kaya tumakbo ako ng 10k. ¬†Ayun, mga 2 kilometro pa lang sa takbo, bumalik muli ang kirot. ¬†Pinilit ko pa rin tapusin ang ensayo para lang matapos siya. ¬†Ang maganda lang sa nangyari, hindi siya sumakit tulad noong Rizal Day. ¬†Sa katunayan, bandang hapon din ng araw na iyon, halos wala na rin akong nararamdamang sakit. ¬†Tipong alam ko lang na andiyan siya pero sa ngayon ay hindi nagpapakita.

Pagsapit ng Biyernes, hinamon ko muli ang tuhod ko sa isa na namang ensayo.  Ngayon, takbo naman na may distansyang 15k.   Siyempre, di matatapos ang ensayo ng di sumasakit ang kaliwang tuhod di ba?  Ganun na nga ang nangyari.  Ang natutunan ko mula sa mga nangyari itong nakaraang linggo ay kakaiba pala ang injury sa joints kung ikukumpara ito sa muscle.  Halimbawa, matapos ang isang matindi at mabigat na ensayo, natural lamang ang makaramdam ng sakit sa muscles (i.e. sa quads o kaya sa calf).  Pero ang sakit na ito ay nawawala din naman agad at puwede mo na uling puwersahin sa susunod na ensayo.  Dagdag pa, para sa iba, maganda ang maramdaman ang ganitong sakit kasi ang ibig sabihin ay pinuwersa mo talaga sarili mo sa ensayo at lalakas ka dahil dito.

Pero kung may tama ka sa joints, mas mahaba na pahinga ang kailangan para gumaling.  At kahit magising ka isang araw at hindi mo maramdaman ang sakit, huwag magpaloko, andun pa rin yun.  Kailangan alalayan sa susunod na ensayo at huwag puwersahin agad kasi maaaring magdulot pa ito ng mas nakakalalang injury.

Ganun naman pala pero bakit di ka nagpahinga Levy Boy? ¬†Ito nga….EH KASI PASAWAY. ¬†Ang katuwiran ko nag-bike naman ako nung Sabado. ¬†Ok naman siya. ¬†So ngayon, sumasakit na lamang siya tuwing tumatakbo. ¬†Improvement na rin ito kumpara noong linggo ng Rizal Day Run kung saan may konting kirot sa bike. ¬†Medyo nahuhuli na rin ako sa training para sa Condura kaya hala sige, long run pa kahapon sa UP ng 3 oras. ¬†Oo nga, sumakit si tuhod, pero kung dati ay sa unang 2 kilometro ko siya nararamdaman, kahapon naman ay nagparamdam na lamang siya matapos ang 2 oras na pagtakbo ūüôā ¬†Ibig sabihin lang nito ay gumagaling na ang tuhod ko di ba?

Ngayong linggo, may karera sa Subic sa 17.  Ano sa tingin mo?  Paaawat pa ba ako?  Kung ikaw ay masugid na tagasunod ng blog na ito, alam mo na wala akong pinapalampas na karera.  Kung di nangangailangan ng eroplano para puntahan, tiyak na andun ako para kumarera!  Bukod sa pasaway, isa rin akong ADIK!!!!!

Tagay naman diyan!!!

January 6, 2010

2010

Filed under: Uncategorized — levyang @ 4:48 am

Bagong taon. ¬†Panahon din para magbalik-tanaw sa taong nakalipas. ¬†Tulad ng nabanggit ko sa huling post, umikot ang ensayo ko noong taong 2009 para sa paghahanda sa Camsur 70.3 at WRT. ¬†Kakaiba din ang training dahil noon lang ako nakaranas na pumalo ng 3k sa swim training. ¬†Mainipin din akong tao kaya laking tuwa ko din na nakaabot na rin ako ng 100k sa bisikleta. ¬†Pagdating naman sa takbuhan, una ko rin naranasan na tumakbo ng 2 oras kada linggo. ¬†Masarap din pala kumarera o mag-ensayo nang mahabaan dahil nakakapagmuni-muni ako pampalipas oras ūüôā

Dahil sa nabuong mileage mula sa nagdaang taon, eto ngayon, naglakas-loob ako na mag-register para sa Condura Marathon na gaganapin ngayong February 7. ¬†Sa training pa lang, alam kong di biro ang lintik na distansyang ito. ¬†Sabi ng marami, mahalaga sa paghahanda para sa marathon ang mga “long run” na aabot ng 3 oras mahigit o 30k. ¬†Sa tanang buhay ko, hanggang 25k lang ang pinakamalayong distansya na natakbo ko. ¬†Ito yung New Balance run sa Clark noong 2008.

Noong ika-27 ng Disyembre 2009, unang beses kong tumakbo ng 30k. ¬†Masakit nga siya sa binti. Pero nakarecover naman ako makalipas ng 2 araw, kung kaya’t nangahas akong sumali sa Rizal Day Run ni Bald Runner sa Camp Aguinaldo. ¬†Marahil di na kayo magugulat sa nangyari sa akin sa unang 5k pa lang ng takbo. ¬†Sumakit ang kaliwang tuhod ko. ¬†Pero pinilit ko pa rin tapusin ang karera dahil ang buong akala ko ang sakit ay dahil lamang sa sugat doon din sa kaliwang tuhod. ¬†Dagdag pa, sabi ko sarili ko, konting yelo lang, gagaling din ang tuhod ko. ¬†Pero pagdating ng bagong taon, masakit pa rin siya.

Tulad ng karamihan sa atin, mataas ang pagtingin ko kay Lance Armstrong. ¬†Para kay Pareng Lance, di niya pinapalagpas ang Pasko o Bagong Taon pagdating sa ensayo. ¬†Siyempre, gusto ko siyang tularan di ba? ¬†Kaya, hala sige, kahit masakit pa ang tuhod ko, tinakbo ko pa rin siya ng isa’t kalahating oras noong unang araw ng taon. ¬†Katangahan talaga dahil kahit ang pangit na ng “form” ko, pinilit ko pa rin tapusin ang 15k. ¬†Ano sa tingin niyo, hinihingi ko talaga no? ¬†Kaya ko lang naman siya ginawa dahil nagaalala ako na mawala ang pinaghirapang ‘fitness level’ kuno ūüôā ¬†Matapos ang 2 30k run, maayos naman pakiramdam ko kung hingal ang pag-uusapan. ¬†Yung sakit lang sa katawan ang kalaban.

Huwag magalala. ¬†Di na ako tumakbo muli mula noong unang araw ng taon. ¬†Itong mga nakaraang araw, langoy at padyak na lang ginagawa ko ūüôā ¬†Awa ng Diyos, mukhang gumagaling na naman ang tuhod ko. ¬†Bukas, baka itakbo ko na muli siya ūüôā ¬†Tingin ko, mapalad pa rin ako dahil ngayon lang ako nakaranas ng injury sa kabila ng katangahan ko. ¬†Ang ‘kagandahan’ sa nakadanas ng anumang injury, mas naaappreciate mo ang ang mga araw na nakakaensayo ka ng walang sakit o tama sa katawan. ¬†At yun ang nararamdaman ko ngayon ūüôā

O, siya, andiyan ka pa ba? ¬†Siguro nagulat ka na sa wikang Pilipino na itong blog ko. ¬†Bakit, ‘kamo? ¬†Wala lang, ayaw ko na kasing magpanggap at pahirapan pa ang sarili ko. ¬†Nagiisip naman ako sa wikang Pilipino, dapat ganun din sa pagsulat di ba? ¬†Tutal marami na namang blog diyan na nasa wikang Inggles. ¬†Di lang naman yun ang pagbabago dito sa blog na ito. ¬†Napansin ko din kasi na tila mga race report na lang ang laman ng mga post ko. ¬†Ngayong bagong taon, susubukan ko din ibahagi naman ang mga ginagawa ko sa ensayo at ang ilang tips/aral na mapupulot ko diyan sa tabi-tabi ūüôā ¬†Sana makatulong kahit papaano sa mga mambabasa diyan na nais magtampisaw sa mundo ng triathlon.

Hanggang sa uulitin….Cheers!!!

Blog at WordPress.com.